Pagsunod At Paggalang sa Magulang, Nakakatanda at May Awtoridad
Pagsunod At Paggalang
PAGSUNOD
- Ang pagsunod ay ang pag-pasunod sa ating mga magulang at ang pag-gawa ng kanilang mga hilig ng walang angal. Ang pagsunod din ay ang pagsunod sa alituntunin na ibinigay ng mga magulang. Mahalaga ang pagsunod sa iba't ibang aspeto ng buhay kagaya ng pagsunod sa mga regulasyon sa daan. Sa pamamagitan ng pagsunod, naipapakita ang pagiging responsable at pakikiisa sa mga alituntunin at kaayusan ng lipunan.
PAGGALANG
- Ang paggalang ay ang pagpakita ng respeto sa nakakatanda saiyo, amo , o magulang sa pamamagitan ng mga pag galaw ng katawan. Ang paggalang ay di lamang dapat ginagawa sa mga nakakatanda sa iyo ngunit dapat ginagalang mo ang lahat ng tao sa iyong paligid. Isa sa mga paraan para maggalang ay ang pagsabi ng po at opo at pag mano sa mga nakakatanda saiyo. Isa din sa mga uri ng paggalang ay ang pagiging mabait sa isa't isa.
ANO ANG IMPORTANSYA NG PAGGALANG AT PAGSUNOD SA MAGULANG AT NAKAKATANDA?
- Ang importansya ng paggalang at pagsunod sa magulang at nakakatanda ay sila ang nagpalaki sa iyo at nag alaga sa iyo tuwing bata ka pa, at ang mga matatanda dahil sila ay mas matagal na nabuhay sa mundo at mas marami silang alam. Importante ang pagsunod dahil sa pamamagitan ng pagsunod maipapakita mo na nirerespeto mo sila. Importante naman ang paggalang dahil ito ang pinaka nagpapakita ng respeto tuwing ginagawa mo ito at pinapakita mo sa kanila na pinapahalagaan mo sila at sila'y binibigyan mo ng respeto.
ANO ANG IMPORTANSYA NG PAGGALANG AT PAGSUNOD SA MGA AWTORIDA
- Importante na ginagalang mo at sinusunod ang mga awtoridad dahil sila ang mga may hawak sa iyo at sa lipunan ng Pilipinas. Importante ang pagsunod sa mga awtoridad dahil sila ang gumagawa ng batas, nasa kanila ang hinaharap ng Pilipinas, importante ito sa mga hinaharap na Filipino at importante ito sa bansa natin kaya dapat sundan natin ang kanilang mga utos at hiling upang mapanatiling maayos ang ating lipunan. Importante naman igalang ang mga awtoridad dahil, sila ay maraming ginagawa ngayon sa mundo at ang pag galang sa kanila , at pag gawa ng simpleng bagay, ay pwedeng ibuo ang araw nila.
MGA KILOS O GAWAIN NA NAGPAPAKITA NG PAG GALANG AT PAGSUNOD SA MAGULANG , NAKAKATANDA AT MAY AWTORIDAD SA PAGKATAO NG ISANG TAO?
- Ang mga kilos na papakita ng pagalang ay ang, pag mano, ang pag mano ay isang simpleng paraan upang magpakita ng paggalang at pagsunod sa magulang at mga nakakatanda saiyo. Isa rin sa mga paraan upang rumespeto sa nakakatanda saiyo ay ang pag sabi ng po at opo, ang mga bagay na ito kahit maliit nagpapakita parin ito ng respeto. At ang panghuling paraan upang magpakita ng respeto ay ang pagbigay ng maliit na bagay at pagiging mabait sa isat isa.
EPEKTO NG PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MAGULANG, NAKAKATANDA AT MAY AWTORIDAD SA PAGKATAO NG ISANG TAO?
- Ang epekto ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakakatanda at may awtoridad ay maipapakita mong mahalaga sila, at matututunan mo rin maging mabait sa kapwa. Ang isang epekto rin ng paggalang sa nakakatanda ay ang hindi pagkagulo gulo ng ating lipunan, dahil kung hindi nirerespeto ng mga tao ang isat isa, walang magkakaunawaan sa mundo.
Comments
Post a Comment